Natukoy ng isang pag-aaral ng University of Southern Mindanao (USM) ang 18 na ‘endophytic fungi’ na mataas ang panlaban sa ilang ‘pathogens’ o mga organismo na nagdudulot ng sakit sa dahon ng ‘rubber’ (Hevea brasiliensis Muell. Arg.). Ang natukoy na ‘endophytes’ ay may potensyal na maging ‘biocontrol agents.’ Ang biocontrol agents ay hindi nakakapinsala ng kapaligiran kumpara sa ibang kemikal ‘spray’ na ginagamit para sa mga sakit ng dahon. Ang mga endophytes ay maaaring ‘fungus’ o bakterya na naninirahan sa halaman o puno ng rubber.
Natukoy ng USM ang biocontrol agents sa pamamagitan ng pag-aaral, “Endophytes as Biocontrol Agents Against Major and Emerging Leaf Diseases of Rubber,” na pinangunahan ni Dr. Tamie C. Solpot. Ang pag-aaral ay pinondohan ng Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development ng Department of Science and Technology (DOST-PCAARRD).
Sinimulan ang pag-aaral nito matapos ang pagbaba ng produksyon ng goma dahil sa pagkalat ng mga sakit sa dahon. Dahil sa pagbaba ng produksyon, maaaring magdulot ito ng mas mababang ani ng ‘latex,’ mas mataas na gastos sa produksyon, at ang pagkalugi ng magsasaka.
Sinuri ang mga endophytes bilang alternatibong pang-kontrol sa sakit sa dahon. Ang mga endophytes ay maaaring maging potensyal na biocontrol agents laban sa ‘foliar pathogens’ o yung mga organismong nakakapagdulot ng sakit sa dahon. Ang mga natukoy na endophytes na ito ay ang Colletotrichum sp., Corynespora cassiicola, Phytophthora palmivora, and Pestalotiopsis sp..
Napakita na naging epektibo ang mga potensyal na biocontrol agents sa mga sakit na dulot ng C. gloesporioides, P. palmivora, at C. cassiicola sa loob ng 20 na araw ng pagsusuri.
Naipakita sa pag-aaral na nagkaroon ng pagbaba sa impeksyon ng matitinding sakit ng puno ng goma. Ito ay maihahambing sa pagiging epektibo ng Trichoderma bilang biological control at Difenoconazole bilang ‘chemical control.’
Natukoy din ng pag-aaral ang pitong lumilitaw na sakit ng dahon sa mga sakahan sa North Cotabato, kasama ang ‘Colletotrichum leaf spot,’ ‘Phytophthora leaf fall/blight,’ ‘powdery mildew,’ ‘bird’s eye-spot disease,’ ‘Pestalotiopsis leaf fall,’ at ‘algal spot disease.’ Natukoy din ang pinaka-unang tala ng Colletotrichum tropicale sa bansa.
Inirekomenda ng proyekto ang pangangailan na magsagawa at magpatupad ng mga stratehiya upang matugunan ang mga sakit sa dahon ng rubber. Ito ay maaaring makamit sa pamamagitan ng pagsubok ng mga natukoy na biocontrol agents sa mga sakahan at taniman ng puno ng rubber.