Alam mo ba na na nagkakaroon din ng mataas na ‘blood glucose level’ ang mga isda?
Karaniwang mataas ang blood glucose level ng mga isda at iba pang organismong nabubuhay sa tubig. Ito ay dahil hindi nila kayang gamitin ang lahat na nakakaing ‘dietary carbohydrates’ kaya naman tinuturing silang diabetic. Ang kondisyong ito ay depende sa kinakain ng isda.
Ang mga isdang ‘carnivorous’ o mga isdang kumakain lamang ng pagkain na mula sa hayop at insekto nangangailangan ng pagkaing buhay pa, ay nasa taas ng listahan ng mga diabetics.
Ang Nile tilapia ay itinuturing na ‘omnivorous’ o isdang kumakain ng pagkaing mula sa hayop at halaman. Ang isdang omnivorous ay bahagya lamang ang kakayahan na maproseso ang dietary carbohydrates. Ngunit napag-alaman na maaaring maibsan ang problemang ito sa pamamagitan ng mababang ‘dosage’ (0.02%) ng benfotiamine, isang food supplement para sa tao. Katulad ng benfotiamine ang Vitamin B1 o thiamine.
Base sa impormasyong ito, nagsagawa ng pag-aaral ang University of the Philippines Visayas-National Institute of Molecular Biology and Biotechnology (UPV-NIMBB) kung saan isinama nila ang benfotiamine sa pakain sa tilapia. Napatunayan sa pag-aaral na mas mataas ang maaaring makuhang ‘gross income,’ tubo, at ‘profit margin’ kumpara sa paggamit ng commercial o pakain kalimitan ay mataas sa nilalamang carbohydrate.
Iniulat ni Dr. Augusto E. Serrano, Jr., Professor 12 at Director ng UPV-NIMBB ang mga resulta ng pagsubok sa project monitoring and evaluation meeting na ginanap online at inorganisa ng Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development ng Department of Science and Technology (DOST-PCAARRD).
Paggamit ng benfotiamine para pabilisin ang paglaki ng tilapia
Katulad ng Vitamin B1 o thiamine sa istraktura ng benfotiamine. Ngunit ina-absorb ito at nagagamit ng katawan kumpara sa thiamine.
Ang paggamit ng benfotiamine bilang supplement sa tilapia ay nakakapagpabilis sa paglaki ng isda dahil mas nagagamit ang carbohydrates sa katawan ng isda ng 40% o mahigit pa.
Ang dietary carbohydrates ay isa sa mga murang sangkap sa aquafeeds na karaniwang pinapakain sa mga tilapia. Kailangan lamang limitahan ang paggamit nito dahil sa masamang epekto nito sa paglaki ng isda.
Sa ginawang sa pagsubok, ang mga Nile tilapia na binigyan ng benfotiamine bilang supplement ay nagtala ng mababang lebel ng glucose limang oras matapos ito pakainin. Bukod dito, ang pag-supplement ng benfotiamine ay nagpakita ng 26% na ‘profit margin’ kumpara sa pagpapakain ng high carbohydrate at 48% profit margin kumpara sa commercial feed diet.
Lamang sa ‘body weight’ at ‘growth response’ ang tilapiang binigyan ng pakain na may benfotiamine. Mas maganda rin ang metabolismo at pag-function ng digestive organs ng tilapiang pinakain ng benfotiamine.