Pinahintulutan at malugod na tinanggap ng Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development of the Department of Science and Technology (DOST-PCAARRD) ang MIMAROPA Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development Consortium (MAARRDEC) bilang isang bagong consortium.
Ang pag-apruba at malugod na pagtanggap sa MAARRDEC bilang pinakabagong consortium ay ginanap sa nagdaang 4th Special Directors’ Council meeting ng PCAARRD kamakailan.
Ang MAARRDEC ang ika-labing anim na Research and Development (R&D) consortia. Gaya ng ibang consortia na itinatag ng PCAARRD, ang MAARRDEC ay tutuon sa pagsasaliksik at pagpapa-unlad sa larangan ng agrikultura, pangisdaan, at likas na yaman sa rehiyon. Tutugon ito sa mga partikular na pangangailangan gaya sa biodiversity, marine at freshwater ecosystem.
Sa kanyang pagkakatatag, kinikilala ng MAARRDEC ang naiibang katangiang socioeconomic at geographical ng kanyang limang lalawigan- Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, at Palawan (MIMAROPA).
Ang mga nasabing lalawigan ay nananatiling agrikultural at coastal. Ang kanyang mga island provinces, kung hindi man pangunahin ay itinuturing na lugar para sa turismo sa hinaharap at may potensyal na makapag-ambag sa paglago ng ekonomiya sa pamamagitan ng agrikultura, pangisdaan at turismo.
Bilang isang network sa pagpapa-unlad, layon ng MAARRDEC na tugunan ang mga hamon sa sektor ng agrikultura, pangisdaan, at likas na yaman sa rehiyon. Ito ay sa pamamagitan ng estratehikong pagsasaliksik at pagpapa-unlad, pagpapabuti sa kakayahan at pangangasiwa, paggamit ng mga bunga ng pagsasaliksik, at pagsusuri at pagsuporta sa mga kinakailangang polisiya.
Ang MAARRDEC ay magsisilbi ring sentro para sa sama-samang pagpaplano, pagpapayo, pag-aaral, at pagbabahagi ng mga resources sa pamamagitan ng pagtutulungan sa pagitan ng mga miyembro at pagtutugma ng mga gawain sa pagsasaliksik at pagpapa-unlad para sa malawakang pakinabang sa sektor ng agrikultura, pangisdaan at likas na yaman sa rehiyon.
Ang MAARRDEC ay may 11 miyembrong ahensya. Kabilang dito ang Mindoro State College of Agriculture and Technology (MinSCAT) as its base agency. The member agencies include the Occidental Mindoro State College, Marinduque State College, Romblon State University, Palawan State University, Western Philippines University; and MiMaRoPa Regional Offices of the Department of Agriculture (DA), DOST, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, and DA-Agricultural Training Institute.
Pangungunahan ang MAARRDEC ni MinSCAT President Dr. Levy B. Arago, Jr. bilang Regional R&D Coordinating Council Chair at Dr. Maria Concepcion L. Mores, MinSCAT Vice President for RDE, bilang Consortium Director.