Inilahad ng mga tagasaliksik at siyentista ang kani-kanilang nalinang na teknolohiya sa mga kinatawan ng regional offices ng Department of Science and Technology mula sa mga regional offices noong ika-4 ng Pebrero taong 2019 sa isang ‘technology pitching.’
Ang mga teknolohiyang inilahad ay nalinang sa suporta ng Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development (PCAARRD) at ng Forest Products Research and Development Institute (FPRDI).
Layon ng gawain, na tinawag na “ROs meet Tech Gens,” na mapabilis ang pagtangkilik at komersiyalisasyon ng mga nasabing teknolohiya. Ito ay sa pamamagitan ng partisipasyon ng mga DOST Regional Officers (ROs) sa promosyon ng mga teknolohiya at paghanap ng mga potensyal na mamumuhunan sa kanilang mga rehiyon.
Ang gawain ay isa ring paghahanda para sa darating na Technology Transfer Day na pangungunahan ng Technology Application and Promotion Institute (TAPI) sa April 4, 2019.
Tinalakay ni Caezar Angelito E. Arceo ng TAPI ang mga hakbang sa komersiyalisasyon at pagtangkilik sa teknolohiya. Kabilang dito ang pagpoproseso ng ‘term sheets,’ pagkakaloob ng ‘Fairness Opinion Report (FOR),’ at negosasyon kaugnay ng kasunduan sa ‘technology licensing.’
Labing apat na teknolohiya mula sa PCAARRD at pito sa FPRDI ang isinailalim sa ‘technology pitching’ sa harap ng mga ‘regional directors’ at ‘technical staff.’ Ang mga teknolohiya ng PCAARRD ay kinabibilangan ng mga sumusunod:
• Coffee Moisture Meter (Engr. Arlene C. Joaquin, Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PhilMech))
• Coffee Dryer (Engr. Robelyn Daquila/Developer: Dr. Romualdo C. Martinez, PhilMech)
• Coffee Depulper (Engr. Raymund Joseph P. Macaranas, PhilMech)
• Peanut Stripper with Pod Sorter (Dr. Jose D. Guzman, Cagayan State University (CSU))
• Peanut Sheller-Sorter (Dr. Jose D. Guzman, CSU)
• Micromix Biostimulant for Bell Pepper and Bittergourd (Dr. Mannix S. Pedro, University of the Philippines Los Baños (UPLB))
• Protein-Enriched Copra Meal (PECM) (Mr. Nico Dumandan/Developer: Dr. Laura J. Pham, UPLB)
• Kakawate Fertilizer for Chilli Pepper, Tomato, Cucumber, Eggplant, and Squash (Dr. Blesilda A. Calub, UPLB)
• Meat Detection Kit (Ms. Joy B. Banayo, UPLB)
• Queen's Coal (Ms. Kathrina M. Pobre, Camarines Norte State College (CNSC))
• Queen Pineapple Bran (Dr. Sonia S. Carbonell, CNSC)
• Queen Pineapple Multi-Use Marinade (Dr. Lilibeth A. Roxas, CNSC)
• Integrated Mango Postharvest Facilities (Dr. Roger C. Montepio, University of Southeastern Philippines)
• Forage-Based Pellet Feeds for Goats (Dr. Edgar A. Orden, Central State Luzon University)
Samantala, ang mga teknolohiya naman ng FPRDI ay ang mga sumusunod:
• Wine Barrel from Santol and other local wood species (Dr. Erlinda L. Mari)
• High-Value Charcoal Kiln from Bamboo (Engr. Amando Allan M. Bondad)
• Bamboo Veneer Lathe (Engr. Amando Allan M. Bondad)
• High-Pressure Sap Displacement System (Ms. Shirley A. Pelayo)
• Non-Wood Dryer (Ms. Wency H. Carmelo)
• Low-Cost Dryer cum Heat Treatment Facility (Ms. Wency H. Carmelo)
• DIY Bamboo Shelter (Dr. Rico J. Cabangon)
Matapos ang ‘pitching session,’ inilahad ni Romeo M. Javate, Officer-in-Charge for Investment and Business Operations Division (IBOD) ng TAPI, ang mga nagawa ng huling Technology Transfer Days noong 2016-2018.
Dumalo sa gawain sina DOST Undersecretary for Research and Development Rowena Cristina L. Guevara, DOST Undersecretary for Regional Operations Brenda Nazareth-Manzano, at TAPI Director Edgar I. Garcia.
Ang technology pitching ay pangalawa na sa isinagawa ng DOST. Ang una ay noong April 30, 2018 sa Food and Nutrition Research Institute (FNRI) sa Bicutan, Taguig City. Itinampok dito ang 24 teknolohiya mula sa FNRI, Advanced Science and Technology Institute (ASTI), Industrial Technology Development Institute (ITDI), Philippine Textile Research Institute (PTRI), Philippine Nuclear Research Institute (PNRI), at Metals Industry Research and Development Center (MIRDC).