Nagbigay ng ₱4.9 milyong pondo sa University of Southeastern Philippines (USeP) ang Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development ng Department of Science and Technology (DOST-PCAARRD) upang mapaunlad ang mga pasilidad ng unibersidad.
Ang ‘investment’ na ito ay isa sa mga inisyatiba ng DOST-PCAARRD upang masuportahan ang mga katuwang nito sa mga rehiyon ng bansa.
May titulong, “Strengthening of Agricultural and Fisheries Machinery Testing Center (AFMTC) at USeP Tagum-Mabini Campus” ang proyekto na naisagawa sa ilalim ng Grants-in-Aid ng PCAARRD.
Isang pulong ang isinagawa noong ika-10 ng Hunyo taong 2019 sa Tagum City upang pormal na simulan ang proyekto.
Dumalo sa pulong ang mga kawani ng PCAARRD na sina Dr. Juanito T. Batalon, Direktor ng Agricultural Resources Management Research Division (ARMRD); Dr. Fezoil Luz C. Decena, Officer-in-Charge ng Institution Development Division (IDD); at mga kawani ng IDD na sina Engr. Wilmar J. Lastimosa at G. Victor P. Alcantara.
Ang proyekto ay pinapangunahan ni Dr. Roger C. Montepio at ni Dr. Sheila C. Cogay. Ito ay inaasahang matapos sa loob ng isang taon. Layunin nito ang mapaunlad ang Agricultural and Fisheries Machinery Testing Center (AFMTC) ng USeP at mapahusay ang kakayahan ng mga kawani ng AFMTC sa ‘machinery testing.’ Ito rin ay inaasahang maging tugon sa pangangailangan ng mga ‘fabricators’ sa pag-‘certify’ sa mga kagamitan ng ng USeP Tagum Unit, Tagum-Mabini Campus.
Dumalo rin sa pulong ang Chancellor ng USeP na si Dr. Ben-hur C. Rafosala; ang Accountant na si Bb. Jhuanivy Deputado; Research Director Dr. Gilbert A. Importante; at ang ilang USeP project support staff.