Ang magandang pag-debelop ng ugat ay mahalaga sa pagpapalago ng punla ng ‘rubber.’ Upang maisagawa ito, ang University of Southern Mindanao (USM), katulong ang iba pang ahensya sa Mindanao, ay nagdebelop ng ‘root trainer technnology’ na makatutulong sa paglago ng halamang goma katulong ang iba pang ahensya sa Mindanao.
Ang ‘root trainer’ ay dinisenyo na lalagyang plastik na may patayong palupo sa loob upang sanayin ang ugat na tumubo pababa. Sa ganitong paraan, mas madaling bubuka ang ugat ng halamang goma, patungo sa mabilis na pagdebelop at paglaki nito.
Ang teknolohiyang ito ay makabubuti sa pagtubo ng ugat at ang mga hibla nito. Makatutulong din ito upang malabanan ang ‘stress’ sa kapaligiran matapos itanim ang rubber. Bukod dito, ang mga punlang pinalago sa ‘root trainer’ ay maaaring itanim sa loob ng 6-7 buwan kumpara sa 8-10 buwan kung ang punla ay galing sa buto at itinanim sa ‘polybag.’
Ang ‘root trainer’ ay isa lamang sa mga teknolohiya na dinebelop sa ilalim ng ‘Industry Strategic S&T Program (ISP)’ ng rubber ng Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development ng Department of Science and Technology (DOST-PCAARRD).
Bilang ‘high-value industrial crop,’ ang rubber ay isa sa pangunahing eksport ng bansa.
Ang ISP ng PCAARRD ay naglalayong tugunan ang problema sa ‘supply chain’ ng industriya ng rubber sa pamamagitan ng ‘S&T solutions’ upang mapanatili ang rubber bilang isang eksport na pangkalakal.
Kabilang sa mga ‘S&T solutions’ na ito ay ang ‘rapid clonal mass propagation techniques’ at paggamit ng ‘root trainer’ para sa produksyon nito; ‘package of technology’ sa ‘nursery’ at pamamahala sa pagtatanim ng ‘high yielding clones (HYCs)’ sa di-tradisyunal na pagpaparami ng goma; pinagbuting pag-ani ng rubber latex upang di agad mamuo ito; at pagpapaganda at pagpili ng binhi sa pamamagitan ng ‘barcoding’ ng HYCs.