Ang zeolite-silica nanocomposite (ZNC), isang teknolohiyang nadebelop ng Central Luzon State University (CLSU) Research and Development (R&D) Facility, ay maaaring maging ‘soil conditioner’ o materyal na makapagpapabuti ng kalagayan ng tubig at lupa para ito ay maging angkop sa produksyon ng tilapia.
Ang ZNC ay epektibong linilinis ang tubig upang maging akma ito para sa akwakultura o ang pag-aalaga ng aquatic species. Gumagamit ito ng ‘nanoactivated carbon’ na pinag-igi ng nanoclay clinoptholite’ o simpleng tinatawag na ‘zeolite.’
Ginawa ang teknolohiyang ito sa pamamagitan ng proyektong Development of Cost Effective Nano (Zeolite-Silica) Composite for the Removal of Pollutants from Water and Soil for Freshwater Tilapia Aquaculture na pinondohan ng Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development ng Department of Science and Technology (DOST-PCAARRD).
Ang pag-‘deteriorate’ o pagbaba ng kalidad ng tubig at lupa ay karaniwang hamon sa akwakultura. Tinutugunan ng ZNC ang hamon na ito dahil ito ay hindi makasisira sa kapaligiran. .
Maaaring linisin ang tubig na may laki o ‘surface area’ na 262 m2/g gamit ang ZNC. Pina-nanatili nito ang kalidad ng lupa at tubig sa alagaan kaya kalaunan ay tataas ang ani.
Katuwang ng CLSU ang Isabela State University at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa proyektong ito.